Siya Na

Sa kalaliman ng gabi habang ikaw ay katabi, Mukha ng iba ang kaulayaw sa panaginip. Ang mga yakap mo bagama’t ramdam ko, Init ng mga yakap niya ang higit na inaasam ng dibdib ko. Mga ngiti mo man ay kaakit-akit, Ang mga ngiti niya ang pilit na sumisilip. Mga pangako ng pag-ibig na lagi mong…

Ligaw

Isang ligaw na damo sa paningin ng Prinsesang iniirog. Pilit pagpukaw sa iyong atensyon ng aking natatanging bulaklak na sa iyo’y handog. Ngunit nababaling ka pa rin sa makikisig na rosas at mahalimuyak na kalachuchi. Kailan kaya bibigyan ng pansin itong damong ligaw na pilit kang inaakit? Pilit ko man itong iwaksi, ang mga ngiti…

Anong meron siya na wala ako?

Anong meron siya na wala ako? Ang mapupungay ba niyang mata? Ang malasutla ba niyang balat? O ang mga labi ba niyang tila laging nais mong halikan? Yan ang mga tanong na patuloy na tumatakbo sa aking isipan. Walang sandali na hindi ko tinanong ang aking sarili kung saan ako nagkulang o saan ako sumobra…

Makakapiling Kang Muli

Gumawa ka ng bagong ala-ala kasama siya. Huwag mong intindihin ang nakaraan, malaon na iyong lumipas. Hayaan mong maging masaya ka sa piling niya. Ang sinasabi nilang pagsubok ay isang pagpapalaya, Marahil, hindi tayo ang nakatadhana. Malay mo sa sususnod na yugto ng ating mga buhay , muli tayong magtagpo at ituloy ang ating nasimulan….